Nothing For Tomorrow
bukas, wala akong pasok.
hindi ko nanaman alam ang gagawin ko.
minsan inninom ko na lahat ng pwedeng inumin pag unang gabi ng wala akong pasok.
kahit ano na jan-beer,alak,gatas,juice[icedtea] at tubig na minsan ko lang matikman sa trabaho.
mukha naman wala akong magagawa sa dalawang araw na pahinga kundi and umupo sa harap ng computer at magdownload magdamag.
wala na akong silbi.
hindi ko alam kung bakit pinapakain ko pa sarili ko.
ginagastusan ko lang ang sarili ko pero wala namang importnasiya ang ‘existence’ ko.
bukod sa tamad na,mabagal pang kumilos.
nung bata ako hindi naman ako ganito.
pagmagpapasindi ang ‘daddy’ ko ng Philip niya sa kalan ang bilis ko.
pag magpapabili ‘mommy’ ko ng kahit ano sa tindahan ang bilis ko.
mabilis lang ako pagmay kapalit.
pag alam kong makakahithit ako ng yosi sa murang kaisipan at makakuha ako ng pera mula sa sukli ni inay.
gagaalaw lang ba ako kung may kapalit?
tang ina madalas –oo ang sagot jan.
sa gastos-hindi ako masyado.
minsan ang bag ko,matagal bago mapalitan.kahit sapatos.
hindi ako maluho.hindi rin ako mayabang.
kaya malamang,bukas,walang pasok,mataas na ang 100 na pera ko.
kung ikukulong mo ko sa loob ng bahay, magiwan ka lang ng isang kahang yosi,kape,mainit na tubig at pandesal na may cheezwiz ok na ko don.
wag mo lang akong papagastusin ng mechanical na bagay.
ipod,psp,digicam–puta,di ko papatawarin yan!
salamat kay joefel-sa mga regalong pangkabuhayan!
bukas,huling kain ko na ang agahan.
hindi mo ko mapapatayo.
hindi ako gagalaw.
gagalaw lang ako pagje-jebs,iihi,iinom,pero bihira.
kungdi ako nakaupo sa tapat ng PC,nakahiga ako sa sofa naglalaro.
simpleng buhay lang akin ngayon.
sa sobrang simple,wala akong silbi sa pagunlad ng bayan.
wala akong alam sa balita.
wala akong alam sa kaganapan.
ang pinakalatest–yung narinig ko lang sa kapitbahay.
kung wala ako dito sa bahay at wala rin sa opisina-nasa greenbelt ako.
nanonood sa mga isdang tulad kong wala ring kwenta.
pinapanood ko kung pano bantayan ng pusa ang mga isda sa ‘pond’
parang ako,inuubos din nila ang oras nila ng wala silang mapapala.
bukas,bagong araw,pero lumang kwento.
buti sana kung parang ‘friendster’ lang ito na pwedeng baguhin ang ‘themes’ araw araw.
pucha kung ganun,ang kulay ko.
bukas–sanay na ako sa mangyayari.
kung may maiba man,parang balahibo lang na nahulog sa balat ko.
kiyeme.